TALUMPATING PAMPALIBANG
"Pauso"
Talumpati ni Leah
Enriquez
Sabi ng mga taong may-edad na, ang
mga kabataan daw ngayon ay ibang-iba sa kabataan noon. Mas inaatupag pa ang
kapusukan kaysa pag-aaral, para bang isinasabuhay na ang sabi ng Globe na
"Go lang nang go" dala narin siguro ng modernisasyon sa ating mundo.
Hindi natin sila masisisi kung ganoon na lamang ang kanilang naisambit sapagkat
minsan ng sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at hindi rin
natin maiaalis sa ating mga magulang o yaong mga naunang henerasyon na
mag-alala sa tuwina dahil sa mga nakikita nilang gawain ng mga kabataan ngayon,
na kung tawagin ng karamihan ay "Selfie para sa ekonomiya". Tanong ko
lang paano nga ba nakakatulong ang selfie para sa pag-unlad at paglago ng ating
ekonomiya?
Ayon sa isyu ngayon, ang mga kabataan
daw ay hindi makasagot kapag tinatanong tungkol sa kasaysayan pero kapag isyu
tungkol kina Aldub at Pastillas girl, agad-agaran ang kasagutan. Pati na rin
ang tungkol kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ay kaagad na nakasasagot,
Edi wow! Ganito na pala ngayon, marami na ang nakalimot sa kung sino ang mga
taong nagbigay ng kalayaan sa atin noong unang panahon. Nakalulungkot aminin na
marami na rin sa mga kabataan ngayon ang nagdadalantao na kahit sa murang edad
pa dahil sa akala nilang natagpuan na nila ang kanila forever. Sabi nila sa
isa't isa, "mahal kita," hindi man lamang inisip na mahal din ang
kilo ng bigas. Isa pa, sabi nila, "hindi ako mabubuhay kung wala ka,"
tanong ko, bakit dati nung wala siya ay nabuhay ka? Sagot naman ng mga
kabataan, "walang makakapigil sa amin..." ay! Myembro pala ng pabebe
girls. Halos lahat nalang ay nakikisali na sa pauso, isali na rin natin ang
kalye serye ng Aldub na dumaragdag sa trapik sa Manila, marami na ang
pumapag-ibig ngayon, kaya alam kong kilig much kayo pagdating sa kanila, pero
'wag padadala ha? Dahil walang forever. Sa halip na ituon natin ang ating
pansin sa mga bagay na ito, bakit 'di nalang sa bagay o gawain na makapagpapatunay
sa sinabi ng ating bayaning si Rizal? Patunayan natin na tayong mga kabataan ay
talagang pag-asa ng bayan.
Mas alam pa natin ang pabebe wave ni yaya Dub kaysa sa tamang pagtuwid at paglagay ng kamay sa dibdib tuwing kinakanta ang pambansang awit. Puro tayo share sa facebook ngunit hindi man lang tayo makapagbigay sa mga taong nangangailangan sa tulong natin. Dahil mga uso ang pinag-uusapan natin, isali na rin natin ang tungkol sa nalalapit na eleksyon, marami na ang nagsisilitawan na mga ala wondergirls na kumakanta sa ating bayan ng "I want nobody, nobody but you," na sinasagot niyo rin ng "I love the way you lie." O diba, talagang napakaraming uso ngayon, kaya pati grado ay nakikiuso na rin sa mapupulang labi ng mga estudyante. Nawa'y imulat natin ang ating mga mata, marami man ang bago sa kasalukuyan, huwag nating kalimutan ang nakaraan at ang ating kasaysayan.
https://enriquezleah25blog.wordpress.com/2015/10/20/pauso-talumpating-nanlilibang/
TALUMPATING NAGPAPAKILALA
"Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal"
Talumpati ni Jam Ria C. Pahati
Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat. Sa hapon pong ito, ating makikilala ang ating taga-pagsalita na isang mabuting mag-aaral ng La Consolacion University Philippines. Siya ay nagmula sa Grand Royale Subd., Pinagbakahan, City of Malolos, Bulacan. Siya ay may edad na 18. Pangalawang anak nina G. Roger Robles at Gng.Carlota Robles. Nagtapos siya bilang honor student sa pagka-elementarya sa Mary the Queen School of Malolos. Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School at kasalukuyang kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa ating pinakamamahal na paaralan ang - La Consolacion University Philippines. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, palakpakan po natin siya Bb. Alyssa R. Robles.
https://pdfcoffee.com/talumpating-pagpapakilala-pdf-free.html
TALUMPATING PANGKABATIRAN
"Sa
Kabataan"
Talumpati ni Sheena Fe Vecina
I.
Isa sa mga salitang
napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot."
Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito'y tumigil na sa
paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot,
ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at
ng diwa. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating
paglakiay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, Hindi lamang
ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taasat ga-pison man ang
ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati'y ga-kulisap lamang, kay
pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad kawayan, at bumilog man
tayong bilog-tapayan,ngunit kung tayo nama'y tulad ni "Bondying" ay
di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang
"Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kayRizal, ngunit
kung ang ating kalooban nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan
para sa kinabukasan.
II.
Kinabukasan. Kabataan, tayo
raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng
kasaganaan at karangalan,o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan.
Ang panahonng pagkilos ay ngayon, Hindi bukas, Hindi sa isang taon. Araw-araw
ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik.Tamang-tama ang sabi
ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan.
Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw
ng bukasay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag
nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa
ating mga magulang at sa mahiwagang araw ng bukas makakaya nating balikatin and
mabibigat na 13 suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob
tayo ngayon sakalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla
tayong magiging ulirang mga magulang. Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan,
ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng
dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.
https://www.scribd.com/document/521688139/VecinaSheenaFe-MODYUL2-Talumpati
TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG
"Papuri sa
mga Bagong Bayani"
Taong 2020, isang taon na puno ng malaking
pagbabago at pagsubok. Ang lahat ay kinakailangan magbago at makibagay sa
kasalukuyang panahon.
Bagama’t ang lahat ay nakakaranas nito, nais ko
lamang bigyan ng kapurihan ang mga opisyal na namumuno sa bansa na patuloy na
lumalaban upang maging maayos ang kinakaharap ng ating bansa.
Gayundin ang mga mamamayang kabilang sa
frontliner na patuloy na hinaharap ang panganib magampanan lamang ang kanilang
mga tungkulin.
Isa lamang sa mga maituturing na nararapat
bigyan ng kapurihan ang mga tauhan sa larangan ng medikal, sila ang personal na
humaharap sa mga pasyente upang mailigtas lamang ang mga buhay nito kahit alam
nilang maaaring malagay sa panganib ang sarili nilang buhay. Sila ang mga
itinuturing na bagong bayani ng kasalukuyang panahon.
https://freehomeworkphilippines.com/halimbawa-ng-talumpating-papuri/
TALUMPATING NAGPAPARANGAL
"Pagpaparangal
sa Isang Kabayanihan"
Talumpati ni Riza E.Fernandez
Sa
lahat ng aking mga kabarangay,mga kaibigan at sa inyo na naririrto ngayong
umaagang ito.Magandang umaga.
Hayaan n’yong ihayag ko sa umagang ito ang kabayanihang ipinamalas sa atin ng taong bibigyan natin ng parangal sa araw na ito.
Ika-13, Biyernes ng Pebrero ng
taong kasalukuyan,ang lahat ay walang kamuwang-muwang sa nagbabadyang panganib.
Para lang ito sa mga karaniwang araw na ating pinagdadaanan. Alas-siyete ng
gabi nang magsimula ang sunog sa aming kapitbahay. Nagkataon naman na walang
tao roon.Hindi nmin ito agad namalayan bagamat kalapit bahay namin ang nasabing
bahay. Hangang sa ito ay lumiyab at kumalat patungo sa aming bahay nang mga
oras na iyon. Hindi agad kami nakalabas dahil unang natupok ng apoy ang aming
pintuan palabas ng bahay
Wla kaming ibang nagawa kundi ang sumigaw.Unti
-unti kong narinig ang sirena ng bumbero. Maya-maya ay lakas loob na sinuog niya
ang apoy bagamat delikado na. Iniligtas nya kami sa aming kamatayan.
Narito
ako ngayon upang handugan ng buong pusong pasasalamat at natatanging parangal ang
taong maituturing naming magkapatid na naibigay sa aming panagalawawang buhay.
Siya ay panganay sa walong magkakapatid. Hindi
nya alintana ang pagiging babae bagamat ang trabaho nya bilang bombero ay sinansabing panlalaki lamang.Siya ay isang
babae na may tapang
ng isang lalaki. Ang kanyang naipamalas na
kabayanihan ay habangbuhay naming maaalala. Mga kaibigan buong karangalan kung ibinibigay sa inyo,siya ay walang iba
kung hindi si Gng. Francesca Lungsod ang
patunay ng isang bayani.
http://bsoa1b.blogspot.com/2009/09/pagpaparangal-sa-isang-kabayanihan_01.html?m=1
TALUMPATING PAMPASIGLA
"Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral"
Talumpati ni Mary Jane Tarucan
Lahat tayo ay
may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral
upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa nila sa aming magkakapatid.At para
matulungan ko rin ang 3 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay
makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga
sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun.
Gusto ko rin matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya
ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain, pamasahe
sa aming magkakapatid at gastos sa kuryente kaya pagsikapan ko na makatapos ako
sa pag-aaral.
Ako ang panganay
sa aming magkakapatid, kaming apat ay nag-aaral ako sa college, yung pangalawa
ay secondarya at ang dalawang bunso ay elementarya. Hindi sana ako
makapagpatuloy sa pag-aaral ngayun dahil sa kahirapan. Gusto ko sanang maghanap
nga trabaho kaso pero hindi pa daw pwede dahil sa murang edad ko pa.Nang ang
aking ante ay bumisita sa a amin, humingi ako nang tulong na siya ang gagastos
sa aking pag-aaral para makatapos ako nga 2 taon pwede na akung mag-trabaho.
Ngayun na 2nd
year na ako, hindi ko sasayangin antg ibinigay na opurtunidad na makapagtapos
ng pag-aaral. Dahil laging sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa nya pag
makatapos ako nang pag-aaral. Ggawin ko ang lahat na makakaya ko na para lang
maabot ang aking pangarap na makapag tapos. at para rin na ipagmalaki ako na
aking mga magulang na kahit 2 taon lang, nakatungtong ako sa kolehiyo.At laging
sabi ng nanay ko na bago ako bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna
sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya
ko na matapos ko ang huling taon na pinag-aaralan ko.
https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-pangarap/
TALUMPATING NAGPAPAKILALA
"Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal"
Talumpati ni Lira Aduca
Mapagpala at mapayapang araw ang pagbati ko sa inyong lahat! Sa hapon pong ito, napakapalad natin at ngayon ay ating makakasama at makikilala ang ating tagapagsalita na isang mabuting mag-aaral ng Mindoro State University. Siya ay nagmula sa Loyal, Victoria Oriental Mindoro. Siya ay may edad na 21. Pangtatlong anak nina G. Luisito Aduca at Gng. Marifie Aduca. Nagtapos siya bilang may karangalan sa pagka-elementarya sa Loyal Elematary School. Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya na isang institusyong mula sa munting bayan ng Victoria ang - Lakeside Institute na kung saan hinubog ang kanyang pagkatao at pinatibay ang kanyang sarili. Kumuha ng General Academic Strand (GAS) sa pampublikong paaralan ang - Macatoc National High School at kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer ng Pang-sekundaryang Edukasyon, Midyor sa Filipino.
Sa aking pakikipanayam sa kanya, ang kanyang kwento ng buhay ay talagang kapupulutan ng inspirasyon lalong-lalo na sa mga kabataan na tulad ninyo. Siya ay simpleng babae lang. May simpleng pangarap lang din ang nais niyang makamtan at ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya at maitawid sa buhay ng kahirapan. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, palakpakan po natin siya Bb. Lira Aduca.