Friday, May 13, 2022

MGA HALIMBAWA NG BAWAT URI NG TALUMPATI

TALUMPATING PAMPALIBANG

"Pauso"

Talumpati ni Leah Enriquez 

          Sabi ng mga taong may-edad na, ang mga kabataan daw ngayon ay ibang-iba sa kabataan noon. Mas inaatupag pa ang kapusukan kaysa pag-aaral, para bang isinasabuhay na ang sabi ng Globe na "Go lang nang go" dala narin siguro ng modernisasyon sa ating mundo. Hindi natin sila masisisi kung ganoon na lamang ang kanilang naisambit sapagkat minsan ng sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at hindi rin natin maiaalis sa ating mga magulang o yaong mga naunang henerasyon na mag-alala sa tuwina dahil sa mga nakikita nilang gawain ng mga kabataan ngayon, na kung tawagin ng karamihan ay "Selfie para sa ekonomiya". Tanong ko lang paano nga ba nakakatulong ang selfie para sa pag-unlad at paglago ng ating ekonomiya?

          Ayon sa isyu ngayon, ang mga kabataan daw ay hindi makasagot kapag tinatanong tungkol sa kasaysayan pero kapag isyu tungkol kina Aldub at Pastillas girl, agad-agaran ang kasagutan. Pati na rin ang tungkol kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ay kaagad na nakasasagot, Edi wow! Ganito na pala ngayon, marami na ang nakalimot sa kung sino ang mga taong nagbigay ng kalayaan sa atin noong unang panahon. Nakalulungkot aminin na marami na rin sa mga kabataan ngayon ang nagdadalantao na kahit sa murang edad pa dahil sa akala nilang natagpuan na nila ang kanila forever. Sabi nila sa isa't isa, "mahal kita," hindi man lamang inisip na mahal din ang kilo ng bigas. Isa pa, sabi nila, "hindi ako mabubuhay kung wala ka," tanong ko, bakit dati nung wala siya ay nabuhay ka? Sagot naman ng mga kabataan, "walang makakapigil sa amin..." ay! Myembro pala ng pabebe girls. Halos lahat nalang ay nakikisali na sa pauso, isali na rin natin ang kalye serye ng Aldub na dumaragdag sa trapik sa Manila, marami na ang pumapag-ibig ngayon, kaya alam kong kilig much kayo pagdating sa kanila, pero 'wag padadala ha? Dahil walang forever. Sa halip na ituon natin ang ating pansin sa mga bagay na ito, bakit 'di nalang sa bagay o gawain na makapagpapatunay sa sinabi ng ating bayaning si Rizal? Patunayan natin na tayong mga kabataan ay talagang pag-asa ng bayan.

          Mas alam pa natin ang pabebe wave ni yaya Dub kaysa sa tamang pagtuwid at paglagay ng kamay sa dibdib tuwing kinakanta ang pambansang awit. Puro tayo share sa facebook ngunit hindi man lang tayo makapagbigay sa mga taong nangangailangan sa tulong natin. Dahil mga uso ang pinag-uusapan natin, isali na rin natin ang tungkol sa nalalapit na eleksyon, marami na ang nagsisilitawan na mga ala wondergirls na kumakanta sa ating bayan ng "I want nobody, nobody but you," na sinasagot niyo rin ng "I love the way you lie." O diba, talagang napakaraming uso ngayon, kaya pati grado ay nakikiuso na rin sa mapupulang labi ng mga estudyante. Nawa'y imulat natin ang ating mga mata, marami man ang bago sa kasalukuyan, huwag nating kalimutan ang nakaraan at ang ating kasaysayan.

https://enriquezleah25blog.wordpress.com/2015/10/20/pauso-talumpating-nanlilibang/ 


TALUMPATING NAGPAPAKILALA

"Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal"

Talumpati ni Jam Ria C. Pahati

       Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat. Sa hapon pong ito, ating makikilala ang ating taga-pagsalita na isang mabuting mag-aaral ng La Consolacion University Philippines. Siya ay nagmula sa Grand Royale Subd., Pinagbakahan, City of Malolos, Bulacan. Siya ay may edad na 18. Pangalawang anak nina G. Roger Robles at Gng.Carlota Robles. Nagtapos siya bilang honor student sa pagka-elementarya sa Mary the Queen School of Malolos. Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School at kasalukuyang kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa ating pinakamamahal na paaralan ang - La Consolacion University Philippines. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, palakpakan po natin siya Bb. Alyssa R. Robles.

https://pdfcoffee.com/talumpating-pagpapakilala-pdf-free.html


TALUMPATING PANGKABATIRAN

"Sa Kabataan"

Talumpati ni Sheena Fe Vecina

I.

       Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot." Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito'y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglakiay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, Hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taasat ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati'y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan,ngunit kung tayo nama'y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kayRizal, ngunit kung ang ating kalooban nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

II.

         Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan,o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahonng pagkilos ay ngayon, Hindi bukas, Hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik.Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukasay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang araw ng bukas makakaya nating balikatin and mabibigat na 13 suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sakalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang. Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.

https://www.scribd.com/document/521688139/VecinaSheenaFe-MODYUL2-Talumpati


TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG

"Papuri sa mga Bagong Bayani"


     Taong 2020, isang taon na puno ng malaking pagbabago at pagsubok. Ang lahat ay kinakailangan magbago at makibagay sa kasalukuyang panahon.

      Bagama’t ang lahat ay nakakaranas nito, nais ko lamang bigyan ng kapurihan ang mga opisyal na namumuno sa bansa na patuloy na lumalaban upang maging maayos ang kinakaharap ng ating bansa.

     Gayundin ang mga mamamayang kabilang sa frontliner na patuloy na hinaharap ang panganib magampanan lamang ang kanilang mga tungkulin.

      Isa lamang sa mga maituturing na nararapat bigyan ng kapurihan ang mga tauhan sa larangan ng medikal, sila ang personal na humaharap sa mga pasyente upang mailigtas lamang ang mga buhay nito kahit alam nilang maaaring malagay sa panganib ang sarili nilang buhay. Sila ang mga itinuturing na bagong bayani ng kasalukuyang panahon.

https://freehomeworkphilippines.com/halimbawa-ng-talumpating-papuri/


TALUMPATING NAGPAPARANGAL

"Pagpaparangal sa Isang Kabayanihan"

Talumpati ni Riza E.Fernandez

          Sa lahat ng aking mga kabarangay,mga kaibigan at sa inyo na naririrto ngayong
umaagang ito.Magandang umaga.

          Hayaan n’yong ihayag ko sa umagang ito ang kabayanihang ipinamalas sa atin ng taong bibigyan natin ng parangal sa araw na ito.


      Ika-13, Biyernes ng Pebrero ng taong kasalukuyan,ang lahat ay walang kamuwang-muwang sa nagbabadyang panganib. Para lang ito sa mga karaniwang araw na ating pinagdadaanan. Alas-siyete ng gabi nang magsimula ang sunog sa aming kapitbahay. Nagkataon naman na walang tao roon.Hindi nmin ito agad namalayan bagamat kalapit bahay namin ang nasabing bahay. Hangang sa ito ay lumiyab at kumalat patungo sa aming bahay nang mga oras na iyon. Hindi agad kami nakalabas dahil unang natupok ng apoy ang aming pintuan palabas ng bahay

Wla kaming ibang nagawa kundi ang sumigaw.Unti -unti kong narinig ang sirena ng bumbero. Maya-maya ay lakas loob na sinuog niya ang apoy bagamat delikado na. Iniligtas nya kami sa aming kamatayan.

        Narito ako ngayon upang handugan ng buong pusong pasasalamat at natatanging parangal ang taong maituturing naming magkapatid na naibigay sa aming panagalawawang buhay. Siya ay panganay sa walong magkakapatid. Hindi nya alintana ang pagiging babae bagamat ang trabaho nya bilang bombero ay sinansabing panlalaki lamang.Siya ay isang babae na may tapang
ng isang lalaki. Ang kanyang naipamalas na kabayanihan ay habangbuhay naming maaalala. Mga kaibigan buong karangalan kung ibinibigay sa inyo,siya ay walang iba kung hindi si Gng. Francesca Lungsod ang patunay ng isang bayani.

http://bsoa1b.blogspot.com/2009/09/pagpaparangal-sa-isang-kabayanihan_01.html?m=1


TALUMPATING PAMPASIGLA

"Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral"

Talumpati ni Mary Jane Tarucan


          Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa nila sa aming magkakapatid.At para matulungan ko rin ang 3 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun. Gusto ko rin matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain, pamasahe sa aming magkakapatid at gastos sa kuryente kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa pag-aaral.

         Ako ang panganay sa aming magkakapatid, kaming apat ay nag-aaral ako sa college, yung pangalawa ay secondarya at ang dalawang bunso ay elementarya. Hindi sana ako makapagpatuloy sa pag-aaral ngayun dahil sa kahirapan. Gusto ko sanang maghanap nga trabaho kaso pero hindi pa daw pwede dahil sa murang edad ko pa.Nang ang aking ante ay bumisita sa a amin, humingi ako nang tulong na siya ang gagastos sa aking pag-aaral para makatapos ako nga 2 taon pwede na akung mag-trabaho.

     Ngayun na 2nd year na ako, hindi ko sasayangin antg ibinigay na opurtunidad na makapagtapos ng pag-aaral. Dahil laging sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa nya pag makatapos ako nang pag-aaral. Ggawin ko ang lahat na makakaya ko na para lang maabot ang aking pangarap na makapag tapos. at para rin na ipagmalaki ako na aking mga magulang na kahit 2 taon lang, nakatungtong ako sa kolehiyo.At laging sabi ng nanay ko na bago ako bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko na matapos ko ang huling taon na pinag-aaralan ko.

https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-pangarap/

TALUMPATING NAGPAPAKILALA

"Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal"

Talumpati ni Lira Aduca

               Mapagpala at mapayapang araw ang pagbati ko sa inyong lahat! Sa hapon pong ito, napakapalad natin at ngayon ay ating makakasama at makikilala ang ating tagapagsalita na isang mabuting mag-aaral ng Mindoro State University. Siya ay nagmula sa Loyal, Victoria Oriental Mindoro. Siya ay may edad na 21. Pangtatlong anak nina G. Luisito Aduca at Gng. Marifie Aduca. Nagtapos siya bilang may karangalan sa pagka-elementarya sa Loyal Elematary School. Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya na isang institusyong mula sa munting bayan ng Victoria ang - Lakeside Institute na kung saan hinubog ang kanyang pagkatao at pinatibay ang kanyang sarili. Kumuha ng General Academic Strand (GAS) sa pampublikong paaralan ang - Macatoc National High School at kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer ng Pang-sekundaryang Edukasyon, Midyor sa Filipino.

        Sa aking pakikipanayam sa kanya, ang kanyang kwento ng buhay ay talagang kapupulutan ng inspirasyon lalong-lalo na sa mga kabataan na tulad ninyo. Siya ay simpleng babae lang. May simpleng pangarap lang din ang nais niyang makamtan at ito ay ang makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya at maitawid sa buhay ng kahirapan. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, palakpakan po natin siya Bb. Lira Aduca. 






No comments:

Post a Comment

MGA HALIMBAWA NG BAWAT URI NG TALUMPATI

TALUMPATING PAMPALIBANG "Pauso" Talumpati ni Leah Enriquez             Sabi ng mga taong may-edad na, ang mga kabataan daw nga...